Panukala ni Sen. Robinm Ibabalik sa Gobyerno ang Mga ‘Devolved’ na Agricultural Functions

Dahil balakid sa mga lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng serbisyong agrikultural ang problema tulad ng kakulangan ng pondo at pulitika, iminungkahi ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla ang pagbalik ng mga serbisyong ito sa pambansang pamahalaan.

Ihinain ni Padilla nitong Lunes ang Senate Bill 2904, na aamyenda sa Republic Act 7160 (Local Government Code) upang matiyak ang food security, paglaban sa kahirapan, at pantay na panlipunan.

“Under the Local Government Code of 1991, agricultural support, extension and on-site research services and facilities were devolved to the LGUs. Years after the enactment of the LGC, studies from the agriculture and economy experts… revealed issues such as lack of funds and varying needs at the local government levels, resulting in varying standards for agricultural productivity and inconsistent implementation of agricultural policies and programs,” ani Padilla sa kanyang panukala.

Aniya, may pag-aaral noong 2020 si University of the Philippines Los Banos Prof. Dario Cidro kung saan nakita ang mga problema sa pag-devolve ng agricultural extension:

  • hindi matupad ang trabaho ng extension workers dahil sa kakulangan sa pondo
  • pamumulitika
  • sa ilang sitwasyon, ang kakulangan ng suporta mula sa lokal na opisyal

“Cognizant of the issues that have plagued the agriculture sector for so long, Senate President Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero renewed his interest to push for the renationalization of agricultural services and facilities,” ani Padilla.

Layon ng panukalang batas na amyendahan ang Local Government Code para alisin ang agricultural support services sa barangay; at ang extension at on-site research services sa municipality at provincial na lebel.

Ibabalik din nito ang na-devolve na agricultural services at facilities sa pambansang pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Agriculture, kabilang ang agricultural support services, extension at on-site research services.

“All personnel, technicians, facilities and properties previously transferred to the barangay, municipalities, provinces and cities shall be transferred back to the National Government,” ayon sa panukala.

Ang National Agricultural and Fishery Council naman, sa pakikipagugnayan sa mga kinauukulang sektor, ang kikilala sa mga problema ng industriya at magrekomenda ng hakbangin para tiyakin ang agricultural productivity.